7

Oct 11, 2020 @ 15:19
By

Isang taxi sa Katipunan Avenue, Quezon City ang umapoy kagabi.

Sambit ni taxi driver Glenn Piano, binabagtas niya ang nasabing kalsada bansang alas-siyete ng gabi, Oktubre 7, nang mamatay ang radyo niya. Napansin din aniya niyang umusok sa harapang parte ng kotse.

Nag-panic aniya ang kanyang pasahero kaya ginilid ang sasakyan sa kalsada tapat ng Miriam College at sinuri ang pinagmulan ng usok.

Sinubukan ng drayber na buksan ang hood ng taxi pero ayaw nitong bumukas. Dito na biglang nagliyab ang makina.

Nakalayo naman agad sina Piano at kanyang pasahero.

Dumating ang mga bumbero matapos ang ilang minuto at binugahan ng tubig ang makina. Naapula rin ang apoy.

Dahil sa insidente, bahagyang bumigat ang trapiko sa Katipunan Avenue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?