1,206

Feb 15, 2020 @ 19:35
By

Isang suntok tulog ang kalaban! Bata ni De La Hoya trending sa bagsik ng kamao

Nag-trending ang pangalan ni American lightweight boxer Ryan Garcia matapos ang brutal 1st round knockout niya laban kay Francisco Fonseca ng Nicaragua noong Valentine’s Day.

Ayon sa mga netizen, 21 years old pa lang si Garcia pero grabe na ang record nitong 15-0 knockout.

Namangha ang netizens sa bilis ng kamao ni Garcia nang gumanti ng left hook sa panga ni Fonseca, at sa loob ng halos dalawang minuto lang, bagsak ang Nicaraguan boxer.

Agaw atensiyon din si Garcia sa boxing industry kung saan may ilang commentator ang nagsabi na ipinanganak na ang bagong star ng boxing.

Si Garcia ay nasa ilalim ng Golden Boy Promotions ni Oscar De La Hoya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?