168

Dec 24, 2017 @ 14:50

Isang bangkay narekober sa nasunog na mall sa Davao

Natagpuan kanina ang isang bangkay sa nasusunog na shopping mall sa Davao City.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, pinoproseso ng mga forensic experts ang katawan ng biktima hindi pa nakikilala hanggang ngayon.

Hindi pa nakikita ng mga rescuers ang 36 iba pang katao na paniniwalang patay sa loob ng nasusunog na NCCC mall sa nasabing kungsod.

Nasunog ang 4-story NCCC Mall noong Sabado ng umga at maraming tao ang sinasabing na-trap sa lob kabilang ang 36 na kawani ng call center na nasa ikaapat na palapag ng gusali.

Napaulat na nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag kung saan andoon ang tindahan ng mga tela, wooden furniture at plastic ware.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?