35

Jan 2, 2018 @ 13:06

Isaiah Thomas, sasalang na sa Cavs vs Trail Blazers

Sasabak na si Isaiah Thomas sa Cleveland Cavaliers sa laban nito kontra Portland Trail Blazers sa Martes (Miyerkules, Manila time).

Hindi pa nakakalaro sa Cavs si Thomas mula nang ma-trade mula sa Boston Celtics kapalit ni Kyrie Irving dahil sa iniindang sakit sa balakang.

Ayon kay Cavaliers coach Tyronn Lue sa NBA, lalaro si Thomas pero sa limitadong oras lamang at hindi rin puwedeng puwersahin na makalaro agad sa dalawang magkasunod na laban nila dahil nagpapalakas pa ito.

Ibig sabihin nito’y hindi makikita si Thomas na lalaban kontra sa dati niyang koponan na Celtics sa Miyerkules (Huwebes, Manila time) sa Boston.

Nasaktan umano noon si Thomas matapos siyang ipagpalit ng Celtics at gusto niyang patunayan sa dating team kung ano ang nawala sa kanila sa pagpapakawala sa kanya.

Pero gustuhin man niya ay ayaw niyang isakripisyo ang kalusugan niya.

Sunod na maghaharap ang Cavaliers at Celtics sa Pebrero 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?