77

Isaiah Thomas, sasabak na sa Cavaliers?

Sharing is caring!

May good news umano si Isaiah Thomas sa kanyang mga fans.

Si Isaiah ay na-trade sa Cleveland Cavaliers mula sa Boston Celtics ilang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin ito nakitang sumabak sa mga laban ng kanyang bagong koponan.

Nabangko ang point guard matapos magtamo ng injury sa kanyang balakang mula pa playoffs ng nakaraang season at hindi pa alam kung kailan ito makakalarong muli.

Ito’y sa kabila ng pagsuko ng Cavaliers sa point guard nilang si Kyrie Irving kapalit ni Thomas.

Ayon sa mga balita, lalarong muli si Thomas sa Disyembre bago mag-Pasko.

Sa Twitter nito, may himig ng pagbabalik sa court si Thomas.

“Locked in! It’s almost time,” tweet nito sa kanyang account.

Pangatlo sa best scorer sa huling season ng NBA si Thomas na may 28.9 points bawat laro para sa dati niyang team na Celtics.

Unang haharapin ng Cavaliers ang Memphis Grizzlies sa Disyembre kasunod ang Chicago Bulls at Sacramento Kings, at inaasahan ng mga fans na makikita na si Thomas na kasama sina LeBron James at Kevin Love sa playing court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?