37

Dec 22, 2017 @ 18:39

Isaiah Thomas, nakapag-warm up na sa Cavs; feeling rookie ulit

Pakiramdam ni Isaiah Thomas ay rookie ulit siya at unang laro niya ang pagtuntong muli sa NBA court kasama ang mga kakampi niya sa Cleveland Cavaliers matapos lumiban ng pitong buwan at ilang mga araw dahil sa rehab sa injury.

“It just felt like I was a rookie again, like my first game,” ani Thomas.

“I haven’t been in an arena like that where you’re warming up, you’re with teammates, that’s so new right now. I’ve been down since May so just being out there put a smile on my face.”

Nasilayan na si Thomas sa Quicken Loans Arena at nakipag-warm up sa kanyang mga teammates suot ang jersey ng Cavs.

Nag-cheer din siya sa Cavs kung saan nanalo ang koponan kontra Chicago Bulls, 115-112.

Nai-trade si Thomas kapalit ni Kyrie Irving sa Boston Celtics pero hindi pa kailanman nakalaro kasama ni LeBron James sa Cleveland.

Hindi pa rin makakalaro si Thomas sa rematch ng Cleveland kontra Golden State Warriors sa Pasko at hinihintay pa umano ang go signal ng mga doktor kung maaari na siyang makalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?