0
views

By

Isaiah Thomas, lipat Denver Nuggets na

Sharing is caring!

Pumayag na umano si free-agent guard Isaiah Thomas para sa one-year, $2 million deal sa Denver Nuggets, ayon sa league sources ng ESPN.

Nakipagkita umano si Thomas kay Tim Connelly, presidente ng basketball operations ng Nuggets, at kay coach Michael Malone sa Las Vegas hinggil sa magiging role at haharapin nito sa pagsama sa Nuggets.

Ito na ang ikaapat na koponan ni Thomas sa loob lang ng isang taon.

Naglaro lang siya ng 17 games sa Lakers noong nakaraang season.

Napasama sa Los Angeles si Thomas bilang bahagi ng trade-deadline deal sa Cleveland, kung saan 15 games lang ang naitulong niya sa team sa 2017-18 season dahil karamihan ng oras niya ay sa pagpapa-rehab niya inilaan sa Seattle at Los Angeles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?