140
bato2
By

ISAFP detention center, sorpresang ininspeksiyon ni Bato

Sharing is caring!

Bumisita sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) detention center sa Camp Aguinaldo si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ngayong umaga.

Ininspeksiyon ni Dela Rosa ang mga kulungan ng mga high-profile inmate na sina Herbet Colangco, Robert Durano, Jerry Pipino, Noel Martinez, German Agojo, Jaime Patio, Thomas Donina, at Rodolfo Magleo.

Inilipat ang mga ito noon sa ISAFP detention center mula sa New Bilibid Prison (NBP) para tumestigo sa kaso ng droga laban kay Sen. Leila de Lima.

Paliwanag ni Dela Rosa, ang kanyang pagbisita ay upang matiyak na hindi maipagpapatuloy ng mga high-profile inmate ang kanilang bentahan ng iligal droga kahit nasa loob sila ng ISAFP detention center, katulad ng nangyayari noon sa NBP.

Sinabi niya pa na napakahigpit nga nila ngayon sa Building 14, Medium at Maximum Compound sa NBP.

“Ang gusto ko lang malaman is ganito kasi e, iniisip ko masyado kaming maghihigpit dun sa Bilibid, lahat-lahat ay hinigpitan namin ‘yung Building 14 at saka ‘yung maximum, saka medium, baka mamaya wala na talagang transaction, magiging transaction sa droga dun, baka dito naman sila magta-transact, dahil baka mamaya isip nila na they have the privilege being state witness, baka sabihin nila baka may utang na loob kami sa kanila na puwede silang magtuloy-tuloy sa kanilang drug transaction so siniguro ko,” sabi ni Bato.

Ngunit tiwala naman si Dela Rosa na hindi na makakapagtransaksiyon sa droga ang mga high-profile inmate dahil maliban sa BuCor guards at Special Action Force ay nakabantay din ang Philippine Army ng AFP sa ISAFP detention center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?