246

Dec 14, 2017 @ 12:40
By

Isabelle, ramdam na ang takot sa panganganak

Habang lumalapit ang panganganak ni Isabelle Daza, nakakaramdam ito ng takot sa kanyang kalagayan.

Malaki na ang tiyan ng aktres sa panahon ngayon ng kanyang pregnancy, hindi gaya noong mga nakaraang buwan na puwede pang itago ng Kapamilya actress ang kanyang pagbubuntis.

Sa latest Instagram post ni Isabelle, sinabi nitong natatakot at kinakabahan na siya sa kondisyon niya, bagay na hindi naman kataka-taka sa katulad niyang first-time mom.

Sa photo ay naka-printed long maternity dress na ang aktres habang tulak-tulak niya ang stroller.

Pinasalamatan niya ang sponsor ng stroller at doon din sinabi ang nararamdaman sa kalagayan o sa iniisip marahil na panganganak.

Wala pang gender reveal si Isabel sa ipinagbubuntis niya dahil ayaw pa raw nilang malaman kung babae o lalake ang magiging baby nila ng kanyang mister.

@isabelledaza, “Been getting so much love & support for the pregnancy. Makes me feel less scared. Just received this @babyzenphilippines stroller gender neutral color since we still won’t know if it’s a boy or a girl. Heard it’s super convenient to travel with, #MakeYoOwn.”

Marahil ang working out o running ang isa sa mga paraang naiisip ni Isabelle para hindi masyadong mahirapan sa paglaki ng kanyang tiyan at sa panganganak nito.

Hinihintay na lang ng netizen ang pagpo-post ni Isabelle ng semi-nude na litaw ang kanyang tiyan gaya ng ginawa ng kanyang bestie na si Giorgina Wilson.

For sure, marami ang hahanga na kahit buntis, sexy pa ring matatawag si Isabelle na pasok sa panlasa ng mga matagal nang nangangarap sa kanya kahit mayroon na siyang asawa. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?