1,786
ABANTE isabelle duterte mura go
Jan 19, 2018 @ 13:46

Isabelle Duterte, nagbanta sa anak ni Bong Go

Pumalag ang apo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Isabelle matapos ang pangba-bash umano sa kanya ng anak ni Special Assistant to the President Bong Go.

Kaugnay ito ng tweet ni Chrence Go, anak ni Bong, kung saan pinatutungkulan ang kontrobersiyal na pictorial ng apo ng Pangulo sa Malacañang para sa kanyang debut.

“Ang weird makita nu’ng pre-debut photoshoot ni… Parang may sense of entitlement ang dating. Nagpose pa siya sa likod ng seal… Weird… so weird,” ani Chrence.

Dahil dito’y umusok ang ilong ng presidential granddaughter at sinabihan ng maaanghang na salita si Chrence.

“You bash someone related to the person who your dad works for. Konteng tingin sa pinanggalingan. Keep your feet on the ground,” sermon ni Isabelle.

Nagbanta pa itong ibubulgar ang nalalaman hinggil sa pamilya Go kung hindi titigil sa kakadakdak si Chrence.

“Don’t hit me with that entitlement bull***t. kasi you know who between the two or our families hold a bigger scandal. If you’ve lost that much respect for our family, I won’t hesitate to spill everything I know about yours.”

Wala namang komento hinggil sa ‘word war’ ng dalawa si Spokesperson Harry Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?