44

By

Isabela hinagupit ng ‘Ompong’, iniwang wasak ang ilang ektaryang sakahan

Sharing is caring!

Ekta-ektaryang palayan, maisan at gulayan ang sinira ng bagyong Ompong sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang iniulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos siyang atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi sa Isabela para pangasiwaan ang pag-asikaso sa mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi ni Bello na piniga ng bagyong Ompong ang Isabela at winasak ang mga maisan, palayan at gulayan.

“Talagang piniga kami ni typhoon Ompong. Paikot-ikot, konti na lang ang ulan pero malakas ang hangin. ‘Yung mga maisan, palay at gulay nilunod sa ulan,” ani Bello.

Marami ring kabahayan aniyang sinira ng malakas na hangin at inilipad ang mga bubong.

Sinabi ni Bello na tinext siya ni Cagayan governor Manuel Mamba para sabihing inilipad ng malakas na hangin ng bagyong Ompong ang bubungan ng Cagayan Provincial Capitol.

Ipinagpasalamat ni Bello na wala pang naitalang casualty sa bagyo.

Bukas aniya ang mga kalsada mula Manila hanggang Cagayan at walang nakaharang na mga puno o sagabal sa mga highway.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?