Abante-TnT-Kulang-kulang-300-atleta-magpapayanig-sa-2018-Asian-Games
By

Isabela, dadayuhin sa Philippine Athletics C’ships

Sharing is caring!

Masusubok ang mga pambansang atleta sa magmimistulang pahimagas sa gaganapin ngayong taon na 18th Asian Games sa Indonesia kontra sa inaasahang pagdayo ng pinakamahuhusay na atleta sa Asia sa nakatakdang 2018 Ayala Philippine Athletics Championships na hahataw sa Ilagan, Isabela simula Mayo 31 hanggang Hunyo 4.

“We have invited all 45 countries in Asia,” sabi lamang ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico. “We are expecting our brightest and most promising athletics stars in the country compete against the best in Asia in the City of Ilagan for the premiere and biggest athletics event in our country,” sabi nito.

Ipinaliwanag ni Juico na ang 2018 Ayala Philippine Athletics Championships ang magsisilbing basehan at sukatan ng asosasyon para piliin at irekomenda ang mga pambansang atleta at miyembro ng national pool na isasagupa nito sa nalalapit na Asian Games sa Jakarta at Palembang sa Indonesia simula Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

“It’s not just for the national athletes to show their abilities and best but also for those aspiring to become a member of the national pool and the elite track and field team,” sabi ni Juico.

Pamumunuan nina Fil-American Eric Cray at Trenten Anthony Beram ang kampanya ng koponan sa isang linggo na torneo na ihohost sa ikalawang sunod na pagkakataon ng City of Ilagan.

Matatandaan na ang 22-anyos na si Beram ay naging double gold medalist sa nakataang taon na Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur (200m and 400 m) habang ang 29-anyos na si Cray ay inirepresenta ang bansa sa 2016 Rio De Janeiro Olympics at nakapagwagi din ng dalawang ginto noong 2015 editsyon ng SEA Games sa Singapore sa (200 m at 400m hurdles.

“Beram will come because he’ll be training here for the Asiad while we expect Eric come as he normally does,” sabi pa ni Juico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?