101

Dec 16, 2017 @ 9:42

Isabela Chess, itataktak na

Pipiga ang mga chess player mula sa iba’t ibang rehiyon sa idaraos na 2017 Isabela Chess Tournament sa Disyembre 16-17, sa Angadanan, Isabela.

Ayon kay Angadanan Vice Mayor Diosdado Siquian, lider ng Vice Mayor’s League ng Isabela, na plantsado na ang kauna-unahang malaking torneo ng chess sa probinsiya.

Inaasahang dadagsain ng woodpushers ang torneo kung kaya’t nakipag-ugnayan siya sa mga hotel at inn owners sa karatig lugar para sa diskuwento sa mga kalahok na galing pa sa malalayong lugar sa probinsiya.

Ayos na rin ang venue ng torneo at kagamitan na nagmula pa sa Manila na may basbas ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa liderato ni Cong. Prospero Pichay. Nakataya ang premyong P40,000 para sa winners at may hiwalay ding premyo para sa kiddies participants na may edad 13 pababa gayundin ang top 3 finishers sa iba’t ibang age categories.

Ang pigaan ng utak ay sinuportahan nina Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao at Senate President Aquilino Pimentel III sa pakikipagtulungan nina Isabela 2nd District Congressman Ana Go, Cauayan City Mayor Bernard Dy at LGU ng Angadanan, Isabela sa pamumuno ni Mayor Lourdes Panganiban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?