317

Nov 5, 2017 @ 9:13

Isabel Granada, pumanaw na

Pumanaw na ang aktres na si Isabel Granada, isang linggo matapos siyang mag-collapse sa isang event sa Doha, Qatar. Siya ay 41 anyos na.

Ang kanyang partner na si Arnel Cowley ang nagkumpirma ng pagkamatay ito sa kanyang Facebook page Linggo ng hatinggabi, Nobyembre 5.

“It is with great sadness that my wife Isabel Granada has peacefully passed here in Doha Qatar,” sabi ni Arnel.

“She has been a fantastic wife, mother and daughter. She always did her best in everything she did, whether it be in front of a camera or sports,” dagdag nito.

Pinasalamatan din nito ang Filipino community sa Doha sa kanilang suporta habang nasa ospital ang aktres.

“I would also like to take this time to thank the Filipino community in Doha for giving their full support throughout this difficult time for myself and the family,” sabi pa ni Arnel.

Mensahe pa nito kay Isabel: “Baby..wherever you might be..just always remember that I LOVE YOU. and I miss you very much.”

Maging ang dating asawa ng aktress na si Jericho Aguas ay nagbigay pugay din sa kanyang pagpanaw.

“Malaki ang naging parte mo sa aking buhay. Binigyan mo ako ng isang gwapo’t matalinong anak, makulay ang 14 yrs nating pagsasama. Sa lahat mula sa aking puso’t kaluluwa. maraming maraming salamat. Pahinga ka na. paalam Isa.”

Oktubre 25 nang isugod si Isabel sa isang ospital sa Qatar matapos siyang mawalan ng malay habang dumadalo kasama si Arnel sa isang event ng Philippine Trade and Tourism Conference. Na-coma si Isabel matapos ang cardiact arrest.

Nagsimula ang career ni Isabel bilanag bahagi ng That’s Entertainment ni German Moreno at nakilala noong dekada 80 sa loveteam nila noong ng actor na si Chuckie Dreyfus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?