279

Nov 9, 2017 @ 14:05
By

Isabel Granada iki-cremate sa Linggo; Burol ngayong gabi pang-pamilya, friends lang

MAMAYANG gabi na ang unang araw ng burol sa Santuario de San Jose Parish sa East Greenhills, Mandaluyong City (hindi raw sakop ‘yon ng San Juan) ng yumaong actress/singer na si Isabel Granada.

Pero baka late night pa raw magsimula ‘yon at hindi muna open ‘yon for public dahil private visit/viewing lang ‘yon para sa family, relatives and close friends.

Pero bukas (Friday) at sa Saturday, magkakaroon naman ng chance ang fans na makita ang mga labi ni Isabel dahil may public viewing ng 10:00AM hanggang 5:00PM lang (strict daw sa oras).

Bukas ay may 6:00PM mass ang Artists In Touch Group at mga taga-That’s Entertainment at may Eulogy ng 7:00PM.
‘Yung mga pupunta sa burol ay ina-advice na dumating bago maghatinggabi dahil hanggang ganoong oras lang ang burol ni Isabel hanggang sa Saturday.

Sa Arlington na gaganapin sa Sunday ng 1:00PM ang final mass at doon na rin siya ike-cremate at ibabalik ang kanyang mga abo sa Santuario de San Jose ng mga bandang 4:00PM.

Sa loob ng East Greenhills Village ang pagbuburulan kay Isabel, kaya dapat sumunod ang lahat sa rules and regulations doon. (JUN LALIN)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?