284

Nov 9, 2017 @ 17:22
By

Isabel Granada binigyan ng military honors ng PAF

Binigyan ng military honor ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawing aktres na si Isabel Granada nang dumating ang labi nito kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay PAF Chief Major Aristides Galang, dahil sa pagiging reservist ng Philippine Air Force kaya binigyan ng military honor ang nasawing aktres.

Taong 2001 nang ma-recruit ng PAF si Granada sa pamamagitan ng Direct Enlistment Program.

Itinalaga si Granada sa Air Force Special Service Group at binigyan ng Air Force Specialty Code Skill in Recreation.

Mula sa ranggong Airwoman, na-promote ito sa Airwoman Second Class.

Bilang respesto at pagkilala sa mga nagawa ng nasawing aktres sa PAF, bibigyan din nila ito ng funeral honor and service. (Red Fortaleza)

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?