191

Oct 25, 2017 @ 10:25

Isabel Granada agaw buhay sa Qatar

Sinusulat ang item na ito, 5:25 am, Oct. 25, sumulpot ang balitang nasa agaw-buhay sa mga sandaling ito ang actress-singer na si Isabel Granada.

Ang dating aktres na si Bianca Lapus ang unang nagbalita sa kalagayan ni Isabel na nakikipaglaban para sa kanyang buhay sa Heart Hospital, Hamad Medical Corp sa Qatar.

Nagkaroon ng internal bleeding sa kanyang ulo si Isabel dulot ng Aneurysm at naka-anim na raw itong cardiac arrest dahilan para malagay sa critical condition ang buhay nito.

Nakaposte sa Instagram wall ni Bianca ang larawan ni Isabel at ang impormasyon sa biglaang pagkakasugod nito sa nasabing ospital.

“I would like to ask for healing prayers for my dear friend, sis Isabel Granada. She was rushed at the Heart Hospital Hamad Medical Corp. in Qatar. I have not communicated with her family yet I’m waiting for updates..But the initial info I got is from our dear Robert Tarroza…”

Si Robert Tarroza ay ang dating close-up commercial model noong teen age nito at naging concert producer sa Pinas.

Sa Amerika na ngayon naninirahan si Robert. Ang nasabing commercial model ang unang nag-post ng balita tungkol sa critical condition ni Isabel ayon kay Bianca.

“…according to his post Isa is in critical condition. Massive internal bleeding in the head, Aneurysm. She suddenly collapsed lang daw.

“So, I’m doing my best to get updates from the people who are there now..Please please she needs prayer warriors now.”

Isang Pinoy nurse raw sa Qatar ang nagbibigay updates kay Bianca sa kundisyon ni Isabel.

“Thank you also to Michael Soliven a nurse who is in Qatar for updating me. Such a big help.”

Sa update na nakuha ni Bianca, nasa coma raw ngayon si Isabel.

“UPDATE: ISA IS IN COMA NOW. She was rushed at the Heart Hospital and status was post cardiac arrest, but according to the nurse I chatted with in Qatar, she was transferred to Hamad and it’s confirmed she has internal bleeding and aneurysm.

“She will undergo a major operation anytime now. But according to the respiratory therapist she had 6 times cardiac arrest please lets pray for isa.”

Patuloy sa paghingi ng dasal si Bianca sa caption ng photo niya para sa kaibigan.

@biancalapus, “Sad news. I can’t sleep. Fight Isa! Fight Sis! Lord please heal @isabelgranada21, she needs you right now. Let’s all pray for Isabel, #prayersforisabelgranada #prayersforisa #isabelgranada.”

Walang binanggit sa posting ni Bianca kung ano ang ginagawa ni Isabel sa Qatar bago ito nag-collapse.

Dahil isang singer-performer ang aktres, malamang na nagshow ito doon o maaring bumisita at nagbakasyon lang ito.

Si Bianca ay dating aktres na naging kasintahan ni Vhong Navarro, kung saan meron silang isang lovechild na ngayo’y binata na (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?