91

Dec 14, 2017 @ 18:21

Isabel-Arnel love story, gagampanan nina Kim at Benjamin

Tampok ang istorya ng pag-ibig ni Isabel Granada at asawang si Arnel Cowley sa GMA drama anthology na ‘Wagas’.

Gagampanan ito nina Kapuso stars Kim Rodriguez at Benjamin Alves bilang mag-asawa na sina Isabel at Arnel.

Nakatakda itong ipalabas sa Sabado, Disyembre 16, ayon sa PEP.ph.

Ipapakita sa kuwento ang mga araw kung saan tagahanga pa lang ni Isabel si Arnel hanggang sa maging pen pals sila at kung paano sila muling nagkasama matapos ma-involve sa iba’t ibang kapareha.

Sikat na artista si Isabel sa youth-oriented talent show na ‘That’s Entertainment’.

Kamakailan lang ay nagluksa ang kanyang pamilya at showbiz industry sa biglaang pagpanaw nito noong Nobyembre 4 sa Doha, Qatar dahil sa aneurysm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?