By

Isa sugatan sa gumuhong pader ng QC sports club

Sharing is caring!

Dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan, bumigay ang isang porsiyon ng ‘concrete perimeter wall’ ng Quezon City Sports Club kung saan isa ang nasugatan.

Agad na dinala ang di-pa nakilalang bikktima sa St.Lukes hospital sanhi ng tinamong mga pasa at sugat sa katawan.

Nabatid na kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong ‘Domeng’ patuloy na makararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas region.

Ayon sa weather advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) mararamdaman ang ‘Habagat’ sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, at Ilocos Region.

Bukod sa Luzon apektado din ng Habagat ang Western Visayas region.

Binalaan din ng PAG-ASA ang mga residente na naninirahan sa mga mababang lugar at malapit sa bundok na maging alerto sa posibleng flash floods at landslides.

Ilang lugar sa Metro Manila at karatig probinsya ang nakaranas ng pagbaha dahil sa hanging Habagat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?