shootout
By

Isa sa mga dumukot sa 2 pulis sa Sulu, todas sa sagupaan

Sharing is caring!

Patay ang isa sa mga kidnapper ng dalawang babaeng pulis sa lalawigan ng Sulu kanina.

Ito’y matapos na magkasagupa ang 5th Scout Ranger Battalion ng Joint Task Force Sulu at ang mga armadong grupo na pinaniniwalaang Abu Sayyaf habang kasama ang mga dinukot na pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.

Sa ulat, alas-tres ng hapon kanina naganap ang engkuwentro na tumagal ng 15 minuto sa Brgy. Mauboh, Talipao, sa lalawigan ng sulu.

Agad na tumakas ang mga armadong grupo bitbit pa rin ang bihag na dalawang babaeng pulis.

Tatlong sundalo naman ang sugatan sa sagupaan.

Patuloy pa rin ang operasyon ng Joint Task Force Sulu para mailigtas ang mga bihag na pulis.

Kanina sinabi ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, na P5 milyon ang hinihinging ransom para mapalaya ang dalawang bihag na pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: