269
saab-magalona-francis-magalona
Mar 6, 2018 @ 16:03

Isa sa kambal na anak ni Saab Magalona, binawian ng buhay

Malungkot na balita ang ibinahagi ni Saab Magalona sa kanyang blog matapos mamatay ang baby girl nila ng asawang si Jim Bacarro noong nakaraang buwan.

Sa kanyang post nitong Martes na may pamagat na ‘Heartbroken but Hopeful’ ikinuwento ni Magalona ang pakikipaglaban naman ng kakambal na lalaki ng namatay nilang baby girl sa ospital.

“On February 8, we lost our baby girl. Our baby boy is still in the Neonatal Intensive Care Unit. The doctors initially said he was in critical condition. He has fought through so many complications and had to undergo surgery and is thankfully doing much better today,” pahayag niya.

“I’ve stayed silent because I think I’ve been in denial. I thought keeping it to ourselves would make this whole thing unreal,” dagdag pa niya.

Sabi pa nito, noong nakaraang buwan ay labas-masok siya sa ICU at muntik nang hindi niya kayanin.

“So many things happened in the last month. There are so many people we could blame and be angry with, but each time we hold our boy, we think otherwise. He’s been fighting to be part of this world and it’s our responsibility to make it one that is forgiving — one that tries to see the best in other people,” kuwento pa niya.

Pero pilit umano silang bumabangon ng kanyang asawa mula sa pagkadurog at nagpopokus sa mabubuting bagay na nangyari sa kanila at sa mga blessings na dumadating.

Nagpasalamat ito sa mga taong nagmalasakit sa kanyang pamilya at humingi ito ng patuloy na pagdadasal para sa kanila.

Ngayong araw din ang ika-9 na anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama na si OPM icon Francis Magalona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?