178

Dec 24, 2017 @ 17:44

Isa patay sa pagtaob ng bangka sa Quezon

Isa na namang aksidente sa karagatan ang naganap sa lalawigan ng Quezon.

Ito ay makaraang tumaob ang isang sasakyang pandagat sa karagatan ng Bonbon, Panukulan Quezon kahapon ng umaga.

Isa ang patay at 12 ang nawawala nang dahil sa aksidente na kinasangkutan ng M/B Vince Nichole.

Kinilala ng Municipal Risk Reduction and Managemen Office ng Panukulan ang nasawing pasahero na si Nancy Samodio.

Pinaghahanap naman na sina John Rex at John Darren Cabuyao.

Galing ang bangka sa Sitio Bungliw sa Barangay Rizal sa Panukulan at patungo sana ng Infanta, Quezon nang maganap ang aksidente.

Hinihinalang malakas na hangin at malalaking alon ang dahilan ng pagtaob ng bangka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?