16

May 24, 2021 @ 14:18
By

Isa patay dahil sa Indian variant – DOH

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Lunes na isa sa mga nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19 ang pumanaw na.

Ayon kay Vergeire, ang isang pumanaw ay mula sa siyam na tripulante ng barkong MV Athens na nagpositibo sa variant na B.1.617.

“Iisa lang ang namatay at siya po ‘yung crew member from MV Athens,” pahayag ni Vergeire.

Ang iba naman sa mga nagpositibo sa nasabing variant mula sa naturang barko ay nakarekober na at apat na lamang ang nananatili sa pagamutan.

Bukod sa mga sakay ng MV Athens, may tatlo pang Pinoy galing ibang bansa ang nagpositibo sa Indian variant. Ngunit ayon kay Vergeire, nakarekober na ang mga ito.

Kinumpirma rin nila na bagamat may mga nagpositibo rin sa mga close contact ng mga biktima ng B.1.617, wala sa mga ito ang nakakuha ng parehas na variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?