130

By

Isa patay, 2 sugatan sa Laguna buy-bust

Patay ang hinihinalang drug pusher habang dalawa ang sugatan sa nangyaring buy-bust sa Biñan, Laguna kaninang madaling-araw.

Ayon kay Laguna Police Chief Sr. Supt. Eleazar Matta, kinilala ang nasawi na si Maburak Cabugatan.

Dagdag pa ni Matta, nagbenta ng hinihinalang shabu si Cabugatan sa poseur buyer na si PO1 Alric Natividad sa Brgy. San Jose at nang makutuban na pulis ang katransaksiyon, agad na tumakbo sa kanilang bahay at kumuha ng kalibre .38 na baril.

Binaril ni Cabugatan si PO1 Natividad sa tiyan at tinamaan ang isang tambay kaya napilitan itong gumanti ng putok at saka napatay ang suspek.

Narekober sa crime scene ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa sling bag ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?