11

By

Isa pang trike driver na nakainom ng lambanog, pumanaw na

Sharing is caring!

Binawian na rin ng buhay ang isa pang tricycle driver na nakainom ng lambanog sa pagpupulong ng Operators and Drivers Association sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City nitong Disyembre 1.

Dakong alas-11: 00 ng gabi ng Disyembre 6 ay tuluyan nang binawian ng buhay ang biktimang si Alfredo Cuadra, 47, makaraan ang ilang araw na pagkaka-confine sa East Avenue Medical Center.

Dalawa pa sa kasamahan niyang miyembro rin ng SB TODA na nakilalang sina Renato Nonato at Alfredo Concepcion ang patuloy pa ring inoobserbahan sa nasabing ospital.

Apat sa kasamahan na nakainuman ni Cuadra ang nauna nang nasawi na nakilalang sina Dennis Umali Cuadra, 37; Alvin Carion Reyes, 42; Delfin Bayangos, 48, at Crsipulo de Guzman Mateo, 43.

Ayon sa report, matapos ang miting ay nag-inuman ang mga tricycle driver at nang makaubos na sila ng may anim na litro ng lambanog ay nagsisakitan na ang mga tiyan nito at nanlabo ang mga paningin kaya agad silang isinugod sa nasabing ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?