176
lebron21
Jun 5, 2018 @ 17:49
By

Isa pang sakit ng ulo ni LeBron, nakaamba

Haharap sa panibagong tinik si four-time NBA MVP Lebron James sa 2018 NBA Finals sa nalalapit na pagbabalik ni Golden State Warriors forward Andre Iguodala.

Sabak na sa individual workout ang 2015 NBA Finals MVP at ayon sa kanya, tuluyan nang nawala ang sakit sa kaliwang tuhod na kanyang nakuha sa Game 3 ng Rockets-Warriors clash.

Target ng 34-anyos na muling sumalang sa Finals sa Game 3 na mangyayari bukas, Huwebes sa Quicken Loans Arena, balwarte ng Cleveland Cavaliers.

“I aim to play in Game 3, but I’ve aimed to play in Game 2 and Game 3. We’ll just have to see,” saad niya.

Positibo rin si Warriors head coach Steve Kerr na makakapaglaro si Iguodala bago matapos ang serye.

Malaking dagok sa kampanya ng Cavaliers na ang inaasahang pagsalang ni Iguodala na nagpoposte ng 7.9 puntos, 4.9 rebounds at 3.1 assists averages sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?