28

Aug 3, 2021 @ 13:11

Isa pang Olympic medal! Nesthy Petecio nasungkit silver medal sa women’s featherweight finals

Nasungkit ni Pinay Olympian Nesthy Petecio ang silver medal sa katatapos lang na women’s featherweight finals nitong Martes.

Hinarap ng 29 anyos na atleta si Sena Irie ng Japan para sa gold match kung saan dinaig siya ng 21 anyos na boksingera sa iskor na 5-0.

Si Petecio ang unang Pinay na nanalo sa women’s boxing ng Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?