15

Jul 6, 2020 @ 18:34
By

Isa pang empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

Isa na namang empleyado ng Kamara ang kinumpirma ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Montales, ito na ang pang-12 empleyado ng kapulungan na nagpositibo sa COVID 19.

Mula umano sa Internal Audit Department ang naturang empleyado at huling pumasok sa trabaho noong Hulyo 1.

Na-expose at nahawa naman sa nasabing empleyado ang isang kasamahan sa Internal Audit Department na contractual employee na asymptomatic naman.

Nitong weekend, isang empleyado namang nakatalaga sa Committee on Justice ang nagpositibo sa COVID 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?