149

Nov 17, 2021 @ 14:38
By

Isa pang DQ petition vs Marcos Jr. inihain

Isa pang grupo ng mga biktima ng martial law ang nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Miyerkoles upang iprotesta ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon sa ulat, si Bonifacio Ilagan na siyang abogado ni Satur Ocampo, sampu ng iba pang mga biktima ng martial law, ang naghain ng panibagong disqualification petition.

Gaya ng naunang protesta, inirereklamo ng mga nag-petisyon ang legalidad ng kandidatura ni Marcos lalo’t nilabag umano nito ang Internal Revenue Code sa ‘di paghain ng income tax return mula 1982-1984.

Saad pa ng grupo, noong 1995 ay na-convict sa korte si Marcos para sa naturang kaso, na siyang nagbabawal dapat sa kanya na tumakbo sa alinmang pwesto sa gobyerno.

Ito ang huling disqualification petition na inihain laban kay Marcos, na siyang nanguna sa huling presidential survey. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: