266

Dec 13, 2017 @ 19:33
By

Isa pang bagyo posibleng pumasok sa PAR bago mag-Pasko

Maliban sa inaasahang pag-landfall ng Tropical Depression ‘Urduja’ sa weekend, may isa pang bagyo ang namo-monitor ng PAGASA na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ang kinumpirma ni Dr. Ezperanza Cayanan, ang chief ng weather division ng PAGASA.

Aniya, ang panibagong bagyo ay tatawaging ‘Vinta’.

Inaasahan itong papasok sa PAR bago mag-Pasko o sa Disyembre 22.

Pero simula Disyembre 18 hanggang Disyembre 20 bahagyang gaganda ang panahon dahil Disyembre 17 inaasahang makakalabas na ng PAR ang bagyong Urduja.

Kaya naman ngayon pa lamang mahigpit na ang paalala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga residenteng nakatira sa Northern Mindanao at Visayas na sentro ng bagyong Urduja.

Layon nitong matiyak na walang maitalang casualties sa epekto ng bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?