151

Dec 27, 2017 @ 10:30

Isa pang bagyo posible bago matapos ang taon – PAGASA

Posibleng pumasok ang panibagong bagyo bago matapos ang taon.

Ayon sa Philippine Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isang tropical depression na nasa labas ng bansa ang kanilang binabantayan.

Pero sa Linggo pa o Disyembre 31 ito maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sakaling maging bagyo ay papangalanan itong ‘Wilma’.

Sa ngayon ay tail end ng cold front ang nakaaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon habang Amihan naman sa Northern at Central Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?