54

Oct 6, 2017 @ 14:51

Isa pa lang ang biktima ng EJK – PNP

Iginiit ng pamunuan ng Philippine National Police na pinoprotektahan nila ang  ‘right of life’ ng bawat Filipino.

Kasunod ito ng inilabas na resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station nitong June 23-26, 2017 na nagsabing 73 porsyento sa mga pinoy ay sinasabing natatakot na posibleng maging biktima ng extra-judicial killings.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos kailanganng alisin ng 73 porsyento mga pilipinong ito ang takot na maging biktima ng EJK.

Giit ni Carlos, mula nang pumasok ang Duterte administration o mula July 1 2016 hanggang Sept 30 2017, isa pa lamang ang kumpirmadong biktima ng EJK.

Aniya, ang posibilidad na maging biktima ng EJK ay malabo, lalot kung magbabatay ang mga pilipino sa totoong impormasyon at hindi sa mga persepsyon.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang ikinakasang anti-criminality campaign ng PNP upang mabawasan pa ang krimen sa buong bansa. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?