80

Isa na lang! Warriors nilampaso ang Blazers

Matapos maidepensa ang home court, nilampaso pa rin ng Golden State Warriors sa Game 3 ang Portland Trail Blazers sa sarili nitong tahanan sa iskor na 110-99 at hawak ang 3-0 lead sa serye.

Lamang pa ang Blazers tungo sa second half ngunit uminit ang Warriors at nakabangon sa laro at iniuwi ang panalo.

Nag-iba ng estratehiya ang Blazers na ipinasok sa first five si Meyers Leonard at nagmula sa bench si Enes Kanter , naging epektibo ito dahil sa magandang opensa at depensang ipinakita ni Leonard.

Hindi ito naging sapat, sa pagpasok nga sa 2nd half ay hinabol ng Warriors ang kalamangan at tinapos ang third quarter ng 22-6 run. Sa 4th quarter ay hindi na nila pinahabol ang Blazers at tuluyan nang lumayo.

Nanguna si Stephen Curry sa KD-less Warriors na may 36 points, 6 rebounds at 3 assists habang si Draymond Green ay may triple-double, 20 points, 13 rebounds , 12 assists at humablot pa ng 4 steals. Nakisalo naman si Klay Thompson na nagtala ng 19 points, 5 rebounds, 5 assists.

Naging malamig naman ang gabi para sa backcourt duo nina Damian Lillard at C.J. McCollum na may pinagsamang 42 points sa 38 na tira. (AV)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?