31

By

Isa-isa lang! – Austria

Sharing is caring!

Mga laro sa Miyerkules (MOA Arena)
4:30 pm – GlobalPort vs. SMB
7pm – Magnolia vs. TNT

MAY tsansa pa ang San Miguel Beer sa top two slots ng PBA Commissioner’s Cup na may bonus na outright slot sa semifinals, pero gusto ni coach Leo Austria na isa-isahin muna ang limang larong natitira sa eliminations.

Malamyang inumpisahan ng defending champions ang midseason conference, pero gumapang at nakatatlong sunod na panalo na para umangat sa 3-3, nasa No. 5 na sa likod ng Rain or Shine (7-1), Alaska (6-1), TNT KaTropa (6-1) at Meralco (5-2).

“Okay lang naman na mangarap na buhay pa kami for a top two slot. Pero we need to stay in the moment, kung ano muna nasa harapan namin,” wika ni Austria.

Unang nakaharang sa kanila ang GlobalPort (3-4) sa first game mamaya sa MOA Arena.

Kabuhol ng Batang Pier sa seventh-eighth ang Magnolia na makikipagpukpukan sa TNT sa nightcap.

Galing sa two-game skid ang GlobalPort, gigil ding bumawi.

Sunod na asignatura ng Beermen ang Texters, NLEX, Blackwater at Magnolia.

Inihanda ni Austria ang mga bataan sa hamon ng Batang Pier.

“Their guards in (Stanley) Pringle and (Nico) Elorde are playing really well, they have very capable big men in (Mo) Tautuaa and (Kelly) Nabong, and (Sean) Anthony is also playing well,” suma ng six-time champion coach. “And they also have their import (Malcolm White).”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?