85

Oct 17, 2017 @ 15:45

Irving vs. Cavs: Laro lang walang personalan

Sa October 18 (Manila time) ay dadayo ng Cleveland si Kyrie Irving para umpisahan ang kampanya sa 2017-18 NBA regular season.

Pagkatapos ng tatlong taon, nasa magkabilang bench na sina Irving at dating kakamping si LeBron James.

Mataas ang emosyon sa pagbabalik ni Irving sa Cleveland, suot na niya ang jersey ng Boston.

Nitong offseason, nagpa-trade si Irving sa Cavaliers dahil gusto na raw niyang kumawala sa anino ni LeBron. Napunta siya sa Celtics, kapalit ni Isaiah Thomas at ilan pang players.

Usapan pa rin sa mundo ng basketball ang pagkalas ni Irving kay LeBron.

Isa na marahil ito sa pinakaaabangang opener ng regular season, pero ‘questionable’ kung makakalaro si James dahil sa iniindang ankle injury. Isang beses lang lumaro sa preseason ang Cavs superstar.

“The excitement and energy is there, but I think everything extra created by outside influence, that’s neither here nor there,” ani Irving.

Bigyan kaya siya ng standing ovation ng Cleveland crowd, o paliguan siya ng boos? Wala lang it okay Irving, laro lang daw, walang personalan.

“No, it’s just hoops, man,” dagdag niya. “Just hoops.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?