47

Jan 1, 2018 @ 14:10

Irving may 28 sa panalo ng Boston kontra Brooklyn

Nagsalansan ng 28 points si Kyrie Irving sa panalo ng Boston Celtics kontra Brooklyn Nets 108-105.

Subalit ang dalawang free throws ni Irving sa huling 7.7 seconds ang sumelyo sa panalo ng Celtics na nag-struggle sa free throw line sa kabuuhan ng laro.

“You’ve got to give credit to just how talented that team is. They play extremely hard for all 48 minutes,” sabi ni Irving na may walong rebounds.

“We had to take the challenge on every single possession.”

May 10 points, 10 rebounds at three blocks si Al Horford, may 15 si Marcus Morris at nagdagdag ng 14 points si Terry Rozier para sa Boston na isinara ang taon sa tatlong sunod na panalo.

Namuno sa Nets si Rondae Hollis-Jefferson na may 22 points at 12 rebounds habang may 16 points naman sai Cris LeVert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?