31

Jan 4, 2022 @ 9:04
By

Irving magbabalik na ngayong linggo

Matapos mawala sa unang 35 laro ng Brooklyn Nets ngayong season, muli nang sasalang sa hardcourt ang NBA All-Star na si Kyrie Irving.

Ito ang iniulat ni Shams Charania ng The Athletic.

“Brooklyn Nets star Kyrie Irving is expected to make his season debut Wednesday on the road against the Indiana Pacers,” saad sa tweet ni Charania. “After missing the Nets’ first 35 games of the season, Irving has targeted Wednesday for his return.”

Sasabak si Irving sa laro ng Brooklyn laban sa Indiana Pacers.

Gayunman, mananatiling hindi makakalaro ang 29-anyos na guwardiya sa mga home game ng Nets dahil hindi pa rin ito bakunado sa COVID.

Si Irving ay may career average na 22.8 points, 3.8 rebounds at 5.7 assists.

Sa ngayon, pangalawa ang Nets sa standings ng Eastern Conference sa 23-11 kartada. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?