573

By

Irving, hindi pipirma ng extension sa Celtics

Sharing is caring!

Nagpahiwatig na maging free agent sa susunod na season si Celtics star guard Kyrie Irving.

Sa pagharap niya sa Celtics press conference noong Martes, sinabi ni Irving na wala siyang intensiyon na pumirma ng extension sa Boston, na ikalawa na sana niya nang mai-trade mula sa Cavaliers noong Agosto.

Isa sa naging usap-usapan noon ang interes umano ng player na maglaro sa New York Knicks sakaling matapos ang kanyang kontrata at maging free agent.

“Contractually, financially, [an extension] just doesn’t make any sense,” ani Irving sa ESPN.

Idinahilan ni Irving ang hindi niya natapos na trabaho sa Boston matapos niyang maoperahan sa tuhod sa kasagsagan ng kampanya ng koponan sa Eastern Conference Finals.

“I think you guys can feel my attitude is really just redemption next year. Really integrating myself with our team again and really focus on winning a championship,” sabi ni Irving.

“That’s the only thing I’m really worried about. Until I get to that point, then I can’t really answer any questions. I’m pretty sure management and I will have a talk, but that talk won’t happen now.”

Sa isyu naman ng pagsasamang muli nila ni LeBron James sinabi ni Irving na,

“In this business, I’ve experienced it all and I’ve seen a lot, so we’ll see what management decides.”

No. 1 overall picks sa Cavaliers noong 2011 si Irving. Naglaro siya rito ng tatlong seasons kasama si James mula 2014-17.

Ang tambalan ng dalawa ang nag-akay sa Cavs sa tatlong sunod na apak sa NBA Finals kung saan naiuwi nila ang kampeonato noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?