47

Dec 11, 2017 @ 13:07

Irving gumana; Celtics nakaganti sa Pistons

Nakaganti ang Eastern Conference-leading Boston Celtics sa pagkatalo nito sa Detroit at pinauwing luhaan ang Pistons na dala ang anim na sunod na talo sa NBA, 91-81.

Nakapuntos si Al Horford ng 18 points, six assists at nine rebounds para sa Celtics.

Naglaro naman na walang suot na maskara si Kyrie Irving na suot niya mula pa Nobyembre 10 dahil sa iniindang injury sa mukha at nakagawa ng 16 points.

Naitala ng Pistons ang kanilang season-low na 33.3% sa field at naikonekta lang ang 28 sa 84 nilang itinira sa laro.

Ibinuhos din ng Celtics ang ngitngit sa pagkatalo sa San Antonio kung saan naitakbo ng Spurs ang panalo matapos ang 3-pointer ni Manu

Ginobili sa limang segundong natitira sa laro, 105-102.

Hindi pinalampas ng Boston ang paghabol ng Pistons sa kanilang kalamangan na 16 sa 4th quarter.

Nagtulong ang bataan ng Celtics upang sawatain ito sa pangunguna nina Jaylen Brown, Horford at Jason Tatum na umiskor sa sumunod na apat na posesyon na nagpatatag sa kalamangan ng kanilang team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?