24
Irving
Jan 11, 2018 @ 12:03

Irving, Embiid asam na mapansin sa NBA All-Star

Parehong may impact kina Kyrie Irving at Joel Embiid ang paghaharap ng mga koponan nilang Boston Celtics at Philadelphia 76ers sa Huwebes (Biyernes, Manila time) sa O2 Arena sa London sa boto nila sa NBA All-Star.

Na-draft ng 2014, hindi nakalaro si Embiid sa una niyang dalawang NBA seasons dahil sa foot injuries.

Nag-a-average ng 23.8 points per game si Embiid.

Pero hindi lingid sa dalawa na ang magiging performance nila sa London ay makakatulong para madagdagan pa ang boto nila para makapasok sa All-Star sa Pebrero kaya’t wala silang nasa isip ngayon kundi magpakitang-gilas sa laro.

Nasa ikatlong posisyon na sa Eastern Conference ang 23-anyos forward na si Embiid sa All-Star voting habang nangunguna naman sa East guards si Irving na may nahamig nang higit 800K na boto

“I’m a winner, I’m competitive but at the same time it’s also for the fans,” ani Embiid.

“I want to have fun, I always do have fun on the court and then I play better when I have fun. I’m going to play team basketball and try to put on a show too,” dagdag pa nito.

Para naman kay Irving, “I’m appreciative of all fan votes. I’m just a fan of basketball, a fan of sport and now I get to mark off my bucket of playing at the O2 Arena.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?