18

May 6, 2021 @ 10:10
By

Irving dedma sa media, suka ng P1.6M

Multa ng $35,000 (P1.6M) si Kyrie Irving matapos nitong labagin ang media access rule ng NBA.

Ayon sa pahayag ng liga, hindi pumapayag ang Brooklyn Nets star na magpa-interview sa postgame media availability.
“The fines result from Irving’s repeated refusal to participate in postgame media availability,” saad ng NBA.

Ilang beses nang dinedma ni Irving ang media, noong December 2020 ay pinagmulta na rin siya ng $25,000 dahil ayaw makipag-usap sa mga reporter habang nasa training camp.

Dito tila tinawag ni Irving na ‘pawn’ ang media.

 “I am here for Peace, Love and Greatness. So stop distracting me and my team, and appreciate the Art. We move different over here.” giit ni Irving.

“I do not talk to Pawns. My attention is worth more,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?