46

Feb 4, 2020 @ 10:07
By

Irving 1 linggong tengga na naman

Isang linggo na namang mawawala si Kyrie Irving dahil sa sprained right knee na nakuha sa fourth quarter ng 113-107 loss ng Brooklyn Nets sa Washington Wizards nitong Sabado.

Nagbuhol sina Irving at Wizards guard Bradley Beal habang nag-uunahan sa loose ball. Umalog ang tuhod ni Irving paglapag.

Ilang minuto bago siya tumayo at nakipag-jump ball pa pero hindi na tumalon bago pumasok ng locker room.

Biyernes ay tumabo si Irving ng season-high 54 points sa panalo kontra Chicago.

Ayon sa Nets, ire-re-evaluate ang All-Star guard pagkatapos ng isang linggo. Absent siya sa home games kontra Phoenix at Golden State, at sa isang laro sa Toronto. Si Warriors point guard D’Angelo Russell ang pinalitan ni Kyrie sa Brooklyn.

Sa umpisa ng unang season niya sa Brooklyn, lumiban ng 26 na laro si Irving dahil sa shoulder injury. Pagbalik ay naupo ng isa pa dahil nananakit ang hita. Hindi rin siya sumalang kontra Knicks noong Linggo nang mabalitaang namatay sa helicopter crash si Kobe Bryant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?