232

Jul 15, 2018 @ 17:45
By

IRRs ng Anti-Hazing Law, pinamamadali

Umaasa si Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na magiging mabilis ang paglabas ng implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-Hazing Law.

Katuwiran ni Herrera-Dy, inaasahan naman na maisasabatas ang Republic Act 11053 dahil naging prayoridad ito ng Kongreso.

Ngayong ganap na itong batas matapos mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan ang kongresista sa kaukulang mga ahensiya ng gobyerno na apurahin at huwag nang hintayin ang deadline bago ilabas ang IRR.

Dapat aniyang agapan ang mga gang na kahalintulad ng fraternities, na kumikilos sa labas ng mga paaralan o sa mga barangay.

“There are gangs and fraternities that behave like criminal syndicates because of their code of silence and use of violence in the enforcement of discipline and their distorted principles of brotherhood,” sabi ni Herrera-Dy.

Kadalasan aniyang nagiging breeding ground ng mga utak-kriminal ang ilan sa mga fraternities at gangs, na nambibiktima ng mahihina, mahihirap at walang laban.

Nagpaalala naman ang mambabatas sa mga awtoridad at opisyal ng barangay na mahigpit na ipatupad ang Anti-Hazing Law pero isaalang-alang pa rin ang karapatang pantao at privacy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?