90
Ironcon-UST ikinampay ni Paraiso
May 16, 2019 @ 19:56
By ,

Ironcon-UST ikinampay ni Paraiso

Pinatibay ng Ironcon-UST Growling Tigers ang kanilang playoffs bid, tinisod ang Saint Clare-Virtual Reality 78-75 sa 9th PBA D-League Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Matapos ang talo kontra Che’Lu Bar and Grill, bumawi ang Growling Tigers para sa 6-2 baraha sa Aspirants Group.

Inako ni Brent Paraiso ang opensiba ng Ironcon, nagsalansan ng 14 points katuwang ang tig-13 markers nina Rhenz Abando at Mark Nonoy.

“We just executed the gameplan and the players did not deviate from the gameplan kasi ‘yun yung tendency ng mga bata. They just executed,” sabi ni Growling Tigers coach Aldin Ayo.

Tumapos naman si Joshua Fontanilla ng 19 markers para sa Saints na dulas sa 5-3 marka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?