36

Jan 25, 2021 @ 20:36
By

Iron pumanaw na

Pumanaw na si South Korean rapper Iron sa edad na 29.

Ayon sa ulat, natagpuan si Iron na duguan at wala ng malay sa isang apartment sa Jung District Seoul pasado alas-10 ng umaga kanina.

Kinumpirma naman ito ng kapulisan ng Seoul.

“We were called in by an [apartment] guard who told us they discovered Iron. He was urgently taken to the hospital, but he passed away,” anila.

Kasalukuyan nang inaalam ng mga awtoridad ang naging sanhi ng pagkamatay ng rapper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?