ironman

‘Iron Man’ suit na isinuot ni Robert Downey Jr., ninakaw

Sharing is caring!

Pinaghahanap ngayong mga pulis ang nagnakaw ng costume na sinuot ni Robert Downey Jr. bilang Iron Man.

Sabi ng Los Angeles police, ang gold at red suit na ginamit ni Downey sa original na 2008 superhero smash hit ay napaulat na nawawala noong Martes sa storage facility nito.

Sabi police officer Christopher No, nawala ang iconic costume sa pagitan ng February at Abril 25 mula sa prop storage warehouse sa Pacoima, hilaga ng Los Angeles.

Sabi ni No, ‘high priority ang nasabing nakawan at wala pa silang matukoy na ‘leads’ sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?