12

Jul 30, 2021 @ 11:55

Irish Magno: Tuloy laban hangga’t walang ginto

Kahit na bigong maiuwi ni Pinay boxer Irish Magno ang gold medal para sa bansa, sinabi niya na hindi siya susuko at patuloy siyang lalaban hangga’t hindi nasusungkit ang ginto.

“Siyempre po nalulungkot po ako sa naging resulta. Ang Olympics po ay hindi basta-basta, lahat naghahanda dahil gustong makapagkamit ng medalya, kaya ibinubuhos lahat,” anang boksingera sa isang pahayag.

“Sa akin po, tuloy-tuloy pa rin po. Hangga’t walang ginto, hindi po tayo susuko, tuloy lang ang laban,” pagpapatuloy niya.

Nito lamang Huwebes nang matalo si Magno ni Juatamas Jitpong ng Thailand sa Round 16 ng women’s flyweight division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?