19

Oct 11, 2021 @ 9:28
By

Iringan sa utang nauwi sa pamamaril sa Ilocos

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Banna, Ilocos Norte nitong Biyernes.

Ani Capt. Norman Pentane ng Banna police, binaril ang 41 anyos na kelot habang sakay ito ng kanyang motorsiklo sa Barangay Binacag ng naturang munisipalidad.

Batay sa report, kahit na natumba na ang biktima ay pinagbabaril muli ito ng suspek.

Nawala na rin umano ang perang dala ng biktima nang maabutan ito ng mga awtoridad.

Ayon sa ABS-CBN News, maaaring may kinalaman umano ang krimen sa pagpapautang ng pera ng biktima.

Kasalukuyang umaarangkada pa ang imbestigasyon sa nasabing krimen. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?