81
Abante-TnT--Iregularidad-sa-SSS,-hihimayin-sa-Kamara
Nov 2, 2017 @ 13:20

Iregularidad sa SSS, hihimayin sa Kamara

Magsasagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries sa umano’y anomalya sa Social Security System (SSS).

Ayon sa chairman ng komite na si Eastern Samar Rep. Ben Evardone, paiiralin nila ang oversight functions ng Kongreso para masilip ang napaulat na iregularidad sa stocks trading ng SSS.

Sabi ng kongresista, bukod sa isyu ng korapsyon, aalamin ng komite kung hindi nagalaw ang pondo ng SSS.

“Aside from the issue of corruption, we will try to find out if SSS funds, which are owned by millions of members, were not lost in the transactions, especially in the light of the proposed increase in member’s contributions,” pahayag ni Evardone.

Kailangan aniyang mabantayan ang SSS funds para matiyak na tatagal ito at makakabayad ang ahensya sa mga obligasyon sa mga miyembro. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?