31
dict

Iregularidad sa 2019 polls, imomonitor ng DICT

Mahigpit na imomonitor ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Cyber Security Bureau ang posibleng pagkakaroon ng mga iregularidad sa gaganaping halalan ngayong 2019.

Sa ginanap na press conference sa Quezon City, sinabi ni DICT Assistant Secretary for Cyber Security and Enabling Technologies Allan Cabanlong, na isa sa kanilang tututukang imonitor ay ang nalalapit na gaganaping halalan ngayong taon.

Ito ay matapos pangasiwaan ng ahensiya ang pagpirma ng kontrata ng mga kinatawan ng venture na matagumpay sa kanilang bid sa pagtustos, pagsanay at pagtulong sa initial management ng National Cyber Intelligence Platform (NCIP).

Ang NCIP ay isang centralized monitoring system, kasama ang National Council of Educational Research and Training (NCERT) leading monitoring, assessment at documentation function na pamumunuan ni Cabanlong.

Sinabi ni Cabanlong, na ang DICT sa pamamagitan ng intelligence platform, ay pinapagana ang epektibong sistema ng koordinasyon kasama ang law enforcement agencies patungo sa tuloy-tuloy na operasyon ng critical infrastructure para sa pampubliko at pribadong mga sektor.

Nabatid na ang paunang yugto ay ilalabas ngayong Enero 2019 at balak na unahin ang sampung ahensiya ng gobyerno na matugunan ang paunang digital readiness assessment bilang nangangailangan ng indibiduwal na may kasanayan sa teknikal tulad ng kanilang creative at critically minded. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?